CamSur Vice-Gov Ato Peña, NAG-RESIGN…

Pumutok na…
Pinaka-MAINIT ngayon sa Camarines Sur: Vice Gov Ato Peña, nagpahayag ng kanyang RESIGNATION effective February 28, 2019.
Ayon kay Peña, nagbibitiw siya sa kanyang tungkulin sa kadahilanang personal at pampamilya.
Sa voice clip na initial na pinarinig ni RadyoMaN Manny Basa sa kanyang report sa RMN Naga – DWNX Mike & Grace at Ur Service kanina lamang, itinuturong dahilan ni Peña ang kadahilanang personal at pampamilya sa kanyang pagbibitiw sa tungkulin. Sinabi pa niya na sa March 1, 2019, hindi na siya ang Vice Governor ng probinsiya.
Si Peñ ay 3-termer Voce Governor ng CamSur at nakatakda pang magtatapos ang kanyang termino bilang pangalwang pinakamataas na opisyal ng probinsiya sa June 2019.

Facebook Comments