Isang Tricycle Driver, Arestado dahil sa Kasong Frustrated Homicide!

Roxas, Isabela – Nahuli dakong alas dos ng hapon ang isang Tricycle Driver matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa Brgy Vira, Roxas, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Jerry Aguilar Caritativo, 39 anyos, may asawa, at residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto si Caritativo sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Bernabe B. Mendoza ng RTC Branch 23 dahil sa kasong Frustrated Homicide.


Pansamantalang makakalaya ang suspek kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang pitumpu’t dalawang libong piso (72,000.00).

Facebook Comments