Canada, aprubado na ang paggamit ng Remdesivir bilang gamot sa mga COVID-19 patient

Aprubado na ng Canada sa paggamit ng Remdesivir bilang gamot sa mga tinamaan ng COVID-19.

Ayon sa Canadian Health Ministry, ang nasabing bakuna ay siyang unang bakuna na pinayagan ng kanilang bansa para sa gamot sa mga COVID-19 patient.

Lumabas sa dalawang pag-aaral sa Amerika na nakakabawas ng sintomas ang Remdesivir sa mga pasyente na nadapuan ng COVID-19.


Noong Mayo, inaprubahan ng US ang paggamit ng nasabing gamot na una nang ginamit sa Ebola.

Sa Pilipinas, patuloy ang clinical trial sa Remdesivir ng mga eksperto, katuwang ang World Health Organization.

Facebook Comments