Canada at India, makikipagtulungan sa Pilipinas para sa COVID-19 vaccine trials

Nagpahayag ng interes ang Canada at India na makipagtulungan sa Pilipinas para sa vaccine trials para sa COVID-19.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, malaking oportunidad ang mangyayaring kolaborasyon dahil magbibigay ito sa Pilipinas ng mga opsyon sa paglaban nito sa COVID-19.

Nitong Hunyo, nagkaroon ng consultative meeting ang DOST sa local pharmaceutical industry para talakayin ang mga plano para sa COVID-19 vaccine trials.


Umaasa ang DOST at Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) na ang local pharma industry ay maging bukas sa oportunidad hindi lamang sa paglaban sa pandemya, kundi bilang paghahanda na rin sa hinaharap.

Facebook Comments