Ikinadismaya ng foreign ministry ng Canada ang pag-recall sa mga ambassador at consul ng Pilipinas matapos hindi masunod ang May 15 deadline na pagkuha sa kanilang basura.
Ayon sa foreign ministry ng Canada, ilang beses nilang ipinarating sa gobyerno ng Pilipinas ang kanilang commitment na kunin ang kanilang basura.
Batay sa tweet ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., inaatasan ang lahat ng opisyal ng embahada at konsulada ng Pilipinas sa Canada na mag-book na ng flight pauwi ng bansa.
Ang 69 containers ng basura mula Canada ay pumasok sa Pilipinas noong 2013 at nabubulok na ngayon sa landfill sa Tarlac.
Matatandaang noong nakaraang buwan ay nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara ito ng giyera laban sa Canada kapag hindi kinuha ang kanilang basura na itinambak sa Pilipinas.