Baron Geisler, inakusahan ng pananakit

Muling inakusahan ang aktor na si Baron Geisler ng physical abuse ng isang babae na umano’y karelasyon nito.

Isiniwalat ng isang Karen Anne Tolosa ang kanyang karanasan pagkatapos mabasa ang Twitter post ng aktor noong May 4 na hindi siya nanakit.

Sagot ni Tolosa kay Baron, tigilan na ang pagsisinungaling sa mga tao.


Kasunod nito, ipinost ni Tolosa sa Facebook ang kaniyang mga larawan na may pasa sa mukha at iba pang parte ng katawan na kagagawan umano ng aktor, isang taon at tatlong buwan na ang nakalilipas.

Sa isang panayam, sinabi ni Tolosa na nagsimula ang kanilang relasyon ni Baron noong 2012 at naging magkaibigan noong 2018.

Matatandaang dati ng inireklamo si Baron ng pananakit ng mga aktres na sina Yasmien Kurdi at Cherry Pie Picache at ng anak nina William Martinez at Yayo Aguila na si Patrizha Martinez.

Facebook Comments