Naglaan ng aabot sa ₱519 million halaga ang gobyerno ng Canada para sa mga hakbangin ng Pilipinas sa pagtugon sa climate change at pagpapaunlad sa mga conflict area sa Mindanao.
Ito ang inanunsyo ni Canadian Trade Minister Mary Ng sa kaniyang opisyal na pagbisita sa bansa.
Sinabi ni Ng, ang nasabing halaga ay tutulong sa pagpondo ng tatlong proyekto na magpapalakas sa climate finance, pagsuporta sa women empowerment sa mga conflict area sa Mindanao at pagpapasigla ng mga komunidad na apektado ng matagal na panahong kaguluhan sa nasabing rehiyon.
Naniniwala naman si Ng na kung magtutulungan ang Pilipinas at Canada, kapwa maiaangat nito ang bawat isa para sa magandang kinabukasan na mapakikinabangan ng kanilang mga mamamayan.
Nabatid na ang nasabing Canadian minister ang kauna-unahang senior government official ng nasabing bansa na bumisita sa Pilipinas mula noong 2018.