Canada, nakapagtala na ng higit 1,200 kaso ng monkeypox!

Sumampa na sa 1,206 ang bilang ng kaso ng monkeypox sa Canada.

Ayon sa Public Health Agency of Canada (PHAC), 32 rito ang na-ospital.

Bagama’t bumagal na ang pagtaas ng naitatalang bagong kaso ng monkeypox ay mas marami namang rehiyon sa Canada ang apektado na ng sakit.


Sa nasabing bilang, 583 sa mga kaso ay naitala sa Ontario; 471 sa Quebec; 125 sa British Columbia; 19 sa Alberta; tatlo sa Saskatchewan, dalawa sa Yukon at tag-isa sa New Brunswick at Manitoba.

Facebook Comments