Imbestigasyon ng DepEd sa gurong inireklamo ng verbal abuse sa Camarines Norte, gumugulong na; Guro, posibleng masibak sa trabaho!

321

Posibleng masibak sa trabaho ang guro na inireklamo ng verbal abuse sa Camarines Norte.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Spokesperson Atty. Michael Poa, malinaw na misconduct ang ginawa ng guro sa kanyang grade 5 student.

Gayunpaman, pakikinggan din muna ng ahensya ang paliwanag ng guro.


Ngayong araw, inaasahang mauumpisahan na ng DepEd ang imbestigasyon sa insidente na ayon kay Poa ay isolated case lamang.

Pinayuhan naman ng opisyal ang mga magulang na huwag mag-atubiling magsumbong sa DepEd kung nakaranas na anumang uri ng pang-aabuso sa eskwelahan ang kanilang mga anak.

Nabatid na hindi na pumapasok sa paaralan ang bata dahil sa trauma.



Sumasailalim na siya sa psychological first aid.

Facebook Comments