Canada, nangakong aalisin na ang basura na itinambak sa bansa

Manila, Philippines – Nakahanda ang Canada na ayusin ang problema tungkol sa itinambak na basura ng nasabing bansa dito sa Pilipinas.

Ito ay mataps na itambak sa Pilipinas ang nasa 2,500 metrikong toneladang basura mula sa Canada na dalawang taon nang ipinapanawagan na alisin na at ibalik sa nasabing bansa.

Naglalaman ang mga basura na ito ng old wires, plastic cups, CDs at mga gamit na adult diapers.


Ayon kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau, gumagawa na ng paraan kung papaano maiaalis ang mga basura ng Canada dito sa bansa.

Aniya, committed ang kanyang bansa na hanapan ng solusyon ang nasabing problema.

Nauna dito ay inirereklamo ng Manila EcoWaste Coalition na dalawang taon din matapos na unang bumisita sa bansa si Trudeau ay nangako din ito na aalisin ang basura ng kanilang bansa.

Facebook Comments