Cleveland Cavaliers, binura ang 23 point lead para pabagsakin ang New York Knicks, 104-101

38

Sports – Ibinaon ni Lebron James ang isang three-pointer may isang minuto at dalawamput tatlong segundo na lamang ang natitira sa laro para makumpleto ng Cleveland Cavaliers ang 104-101 come-from-behind win kontra New York Knicks sa NBA.

Lamang ng 23 puntos ang New York sa laro pero nag-init ang Cavaliers sa fourth quarter para matapyas ang abante ng Knicks at makuha ang panalo.

Samantala panalo ang Los Angeles Lakers kontra Phoenix Suns, 100-93; wagi rin ang Philadephia kontra Los Angeles Clippers, 109-105; at Golden State labans sa Orlando, 110-100.

Facebook Comments