Canada, umapela na rin sa NoKor na itigil ang mga nuclear tests

Manila, Philippines – Nanawagan si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa North Korea na itigil ang kanilang mga aktibidad na labag sa kanilang international obligations.

Ito ay kasunod na rin ng pagkundena ng South Korea at Japan sa agresibong nuclear tests and programs na ginagawa ng NoKor na maaaring makapinsala sa mga kalapit na bansa.

Sa ASEAN-Canada 40th Anniversary Commemorative Summit, sinabi ni Trudeau na magiging kaisa ng ASEAN ang Canada sa pagsusulong ng kapayapaan.


Sinabi din nito na kung ano ang mahalaga para sa ASEAN ay mahalaga din para sa Canada at nakahanda ang kanilang bansa na magbigay ng anumang tulong.

Dagdag pa nito, committed din ang Canada sa pakikipagtulungan para sa inclusive growth ng mga bansa sa ASEAN sa pamamagitan ng malusog na kalakalan ng mga bansa.

Naniniwala si Trudeau sa pagtutulak din ng matatag sa partnership sa ASEAN na makakatulong sa mabilis na paglago ng ekonomiya ng mga bansa nito.

Facebook Comments