Canadian, isinumbong ang asawang Pinay na bigla raw naglaho; tinawag ang Pinay na scammer

1046

Dumulog ang isang Canadian sa programa ng broadcaster na si Raffy Tulfo para makausap ang asawang Pinay na bigla na lang umano siyang iniwan.

Kasama ang biyenang babae, ikinuwento ni William Brown na magkasama sila ng asawa niyang si Kathlyn sa isang hotel nang bigla na lang siya nitong iwan.


Nang makausap sa telepono ang babae, idinahilan nito ang problema raw sa pamilya at sa pera.

Itinanggi naman ng nanay ni Kathlyn na hinuhuthutan niya ng pera ang anak at ibinunyag na mayroong karelasyong lesbian ang anak.

Hindi naman itinaggi ni Kathlyn ang paratang na may kinasama siyang lesbian at ayon sa kanya, nakarelasyon niya na ito hindi pa man sila kasal ni William.

Nang tanungin kung ano nang balak, ayaw na raw bumalik ni Kathlyn sa asawa at ayaw niya rin makipag-usap dito.

Naglabas naman ng sama ng loob ang Canadian at sinabing kailanman ay hindi siya tumangging magbigay ng pera tuwing humihingi ang Pinay ng pera.

Nagsinungaling din daw ito nang sinabi niyang hindi siya umiinom ng alak at naninigarilyo.

Nang ipagpalagay ng host na Tulfo na immature pa si Kathlyn, sinabi ng Canadian na wais ito.

“She’s smarter than you think. She pretends. She is a scammer.”

Pumayag naman si Kathlyn na makipagkita nang personal nang sabihin ni Tulfo na sasagutin ang pamasahe nito.

Facebook Comments

From Advertisers