Canadian na may kasong manslaughter, naharang ng Immigration officers

Manila, Philippines – Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang kahina-hinalang Canadian nang dumating ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ang dayuhan na si Imad Hermiz, 32 taong gulang.

Unang sinabi ng Canadian na dadalo siya religious activity sa Davao City pero kaduda-duda ang dahilan nito at paiba-iba ang kanyang naging pahaayag sa immigration officers kaya siya hinarang.


Lumabas din sa interogasyon na nahatulan ng guilty si Hermiz sa kasong manslaughter noong 2007 sa kanilang bansa dahil sa pagsaksak sa kapwa Canadian.

Sa ngayon, naka-blacklist at ideneklarang undesirable alien si Hermiz.

Facebook Comments