Sa gitna ng masamang lagay ng panahon na sumabay sa 2019 SEA Games, inilahad ng NDRRMC ang napagkasunduang protocol na kanilang ipatutupad.
Sa isinagawang cabinet meeting kagabi sa Malakanyang, iniulat ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad ang pagpapatupad ng tinatawag na cancellation protocol.
Batay sa naplantsang cancellation protocol, suspendido ang lahat ng outdoor games sa mga lugar na pinagdarausan ng SEA games na nasa ilalim ng public storm signal No. 1.
Kanselado naman ang lahat ng laro sa mga area na nasa ilalim ng storm signal No. 2.
Samantala, tiniyak pa ni Jalad sa ginawang pulong ng mga myembro ng gabinete na naka pre- position na ang mga pagkain at non-food packs gayundin ang mga gamot para sa mga inaasahang maaapektuhan ng pananalasa ng bagyong Tisoy.