Duterte, sasabak pa rin sa ilang mga aktibidad sa gitna ng masamang lagay ng panahon

210

Sa kabila ng nararanasang masamang panahon dulot ng bagyong Tisoy, tuloy pa rin, sa ngayon ang aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Sa katunayan, hindi lang isa o dalawa kundi tatlo ang nakalinyang aktibidad ng Chief Executive.

Ganunpaman ay pawang sa loob ng Palasyo naman gaganapin ang magkakasunod na presidential activities mamayang hapon.

Kabilang dito ang gagawing pagpapanumpa ng Presidente sa Executive committee members ng League of Municipalities of the Philippines at ang Ceremonial Signing ng pagpapaliban ng 2020 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections Act at ang Malasakit Center Act.

Samantala, kanselado naman ang naka-schedule sanang Silent Media Briefing na pangungunahan ng Presidential Management Staff at ng Presidential Security Group.

Facebook Comments