Candidate pin ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, nabenta na sa halagang 250,000 pesos!

Natapos na ang bidding para sa candidate pin ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na ginanap sa Shop & Share Fundraiser Website na itinaguyod nina Angel Locsin at Anne Curtis.

Natapos ang bidding kaninang alas-nuwebe ng umaga kung saan nabili ang pin sa pinakamataas na bid na 250,000 pesos.

Gagamitin ang naipong halaga para makalikom ng pondo sa pagbili COVID-19 testing kits.


Labing-dalawang kalahok ang sumama sa bidding kung saan 20,000 pesos ang starting price.

Makukuha ng sinumang mananalo ang pin na may kasamang handwritten note mula kay Catriona.

Facebook Comments