San Juan City Mayor Zamora, kinampihan ni DILG Sec. Año

176

Nakapuntos si San Juan City Mayor Francis Zamora matapos siyang absweltuhin mismo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kaugnay sa umano’y paglabag sa quarantine protocols sa Baguio City noong isang linggo.

Ayon kay Secretary Año, walang nangyaring pang-aabuso sa kapangyarihan sa panig ni Mayor Zamora kaya’t wala umanong dahilan upang ito’y kasuhan.


Paliwanag ni Año, wala namang iniutos ang alkalde sa kanyang mga tauhan na baliwalain ang checkpoint papunta sa Baguio Country Club.

Dagdag pa ng kalihim na ang mga pulis escort ang may kasalanan kaya’t ni-relieve na ang mga ito sa pwesto.

Giit pa ni Año na nagkaroon lamang din ng miscommunication dahil nakapagpasuri naman ang grupo ng alkalde bago makarating sa kanilang destinasyon.

Una nang sinabi ni Mayor Zamora na natutulog siya nang mangyari ang insidente pero humingi pa rin ito ng paumanhin sa nangyari at tinanggap naman ito ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.




Facebook Comments