Canvassing ng boto sa presidente at bise presidente, umarangkada na sa Kamara

Sinimulan na ng National Board of Canvassers o NBOC-Congress ang canvassing sa boto ng mga kandidato sa presidente at bise presidente.

Sa pagsisimula ng bilangan ng boto ng Joint Canvassing Committee, muling binigyang diin nina Senate Majority Leader Migz Zubiri at House Majority Leader Martin Romualdez ang tungkulin ng Kongreso ngayong halalan.

Ang Kamara at Senado na uupong NBOC ang siyang magbibilang at magtutugma ng mga electronically transmitted na Certificate of Canvass o COCs at sa manually counted at physically delivered na COCs.


Sa mga kandidato sa pangulo at ikalawang pangulo, tanging mga lawyers at counsels nila presumptive President Bongbong Marcos, presumptive Vice President Sarah Duterte at Senator Kiko Pangilinan lang ang dumalo.

Samantala, ngayong hapon ay dumating sa Kamara ang dagdag na walong ballot boxes mula sa overseas absentee voting.

Ito ay galing sa Chile, South Africa, Timor Leste, Kenya, Mexico, Pakistan, Czech Republic at Nigeria.

Parating na rin sa Batasan Complex ang mga ballot boxes mula sa Bangladesh, Myanmar, Syria, Morocco, Iran, Argentina, Brazil at Lanao del Sur.

Facebook Comments