Barangay Kapitan, Patay sa Pananambang ng Riding-in-Tandem

45
Cauayan City, Isabela- Patay ang isang Barangay Kapitan matapos tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Tuao, Cagayan ngayong araw, May 24, 2022.

Batay sa ulat ng Tuao Police Station, kinilala ang biktima na si Dante Blanza, 61-taong gulang, at residente ng Barangay Sto. Tomas, bayan ng Tuao.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, pasado alas-9:00 kaninang umaga habang nasa Barangay Bicok ang biktima ay bigla itong pinagbabaril ng ilang beses ng dalawang hindi pa nakikilalang riding-in-tandem criminals sakay ng Honda XRM na kulay pula at itim.

Nagtamo ng Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ngunit kalauna’y idineklara na itong dead-on-arrival.

Kaagad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang kapulisan laban sa mga salarin.

Humingi na rin ng tulong ang PNP Tuao sa pagtatayo ng mga High Risk Checkpoints para sa agarang ikadarakip ng mga suspek.



Inaalam pa rin ng pulisya ang motibo sa nangyaring pagbaril-patay sa biktima.

Facebook Comments