Capability demonstration ng PAF para sa kanilang anibersaryo, sinaksihan ni PBBM sa Capas, Tarlac

Pinanood ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang capability demonstration ng Hukbong Panghimpapawid na kung saan, ipinamalas ng Philippine Air Force (PAF) ang kakayahan ng kanilang air assets.

Ginawa ang capability demonstration sa Colonel Ernesto Rabina Air Base, Capas, Tarlac.

Kasama ni Pangulong Bongbong sa panonood ng Capability demonstration ng PAF ay sina National Security Adviser Eduardo Ano, AFP Chief of Staff Andres Centino, Airforce Chief LtGen. Stephen Pareno, Army Chief LtGen. Romeo Brawner.


Ipinakita sa demonstrasyon ang kapabilidad ng ilang air assets ng PAF katulad ng black hawk helicopter nito na ginagamit sa external defense mission at ilan pang mga operasyon gaya ng humanitarian assistance at disaster response.

Nagkaroon din ng live fire demonstration Operations at ipinakita sa pangulo ang high explosives at AGM -65 missile system capabilities.

Napag-alaman na ang ginawang pagsaksi ng pangulo sa capability demonstration sa Colonel Ernesto Rabina Air Base, Capas, Tarlac ng PAF ay ang kauna-unahang pagbisita ng isang Commander in Chief sa nasabing airbase.

Facebook Comments