Malaking bilang ng mga Pinoy, mabibiyayaan ng pagpapalawig ng Taiwan sa visa-free entry ng mga Pilipino

Ikinalugod ni Manila Economic and Cultural Office Chairman Silvestre Bello III ang pagpapalawig ng Taiwan ng isang taon sa visa-free entry ng mga Pilipino sa kanilang bansa.

Ayon kay Bello, mahigit 170,000 na mga Pinoy na nagtatrabaho at naninirahan sa Taiwan ang mabibiyayaan nito.

Sinabi ni Bello na magpapalawak din ito sa labor market para sa mga manggagawang Pilipino.


Malaking tulong din aniya ito para lalong mapalakas ang kalakalan at pagkakaibigan ng Pilipinas at Taiwan.

Facebook Comments