Capiz Archbishop Jose Advincula, pormal nang ginawang Cardinal ni Pope Francis

167

Pormal nang ginawang Kardinal ni Pope Francis si Archdiocese of Capiz Archbishop Jose Advincula.

Dumalo sa pamamagitan ng online ang bagong Kardinal ng Pilipinas dahil sa banta ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.


Kasabay ni Archbishop Advincula na binigyan ng titulong kardinal ang 12 pang Arsobispo sa iba’t ibang bansa.

Ang Kardinal ang pangalawa sa pinakamataas na posisyon sa simbahan na sumunod sa Santo Papa.

Sila rin ang bumoboto sa kung sino ang susunod na mamumuno sa Simbahang Katolika na binubuo ng higit 1.2 bilyong miyembro.

Samantala, sa kasalukuyan ay nasa 229 lamang ang Kardinal sa buong mundo.




Facebook Comments