Capiz Provincial Government, magbibigay ng Financial Assistance sa pamilya ng namatay na sundalo sa Marawi City; Gobernador, nagpaabot ng kanyang pakikiramay

Roxas City – nakahandang magbigay ng Financial Assistance ang Capiz Provincial Government sa pamilya ng namatay na sundalo na isang Capizeño sa Airstrike ng militar sa Marawi City, ito ang naging pahayag Gov. Tony Del Rosario.

Ayon sa Gobernador, ipauubaya nito sa Provincial Social Welfare and Development Office ang proseso upang mapadali ang pagbibigay ng tulong sa pamilya ni Sgt. Throlen Lago ng Barangay Tumalalod, Mambusao Capiz.

Sinabi din nito na nakikiramay s’ya at ang buong lalawigan ng Capiz sa sinapit ng magiting na sundalo na nagbuwis ng kanyang buhay para sa bayan.


Si Sgt. Throlen Lago ay isa sa 11 na namatay matapos tinamaan ng bomba mula sa SF-260 Aircraft ng AFP habang nagsasagawa ng Clearing Operation ang kanilang Unit sa Marawi City. Samantala, alerto parin ang Capiz PNP sa anumang banta ng terorismo sa buong lalawigan.
DZXL558

Facebook Comments