Car-less Sundays sa Roxas Boulevard, epektibo na ngayong araw

Epektibo na simula ngayong araw ang Car-less Sundays sa ilang pangunahing kalsada sa Maynila sa loob ng ilang oras.

Ito ay matapos ipasa ng Manila City Council ang ordinansa kung saan bawal dumaan ang lahat ng uri ng sasakyan sa north at southbound lanes ng kahabaan ng Roxas Boulevard mula Padre Burgos Avenue patungong Quirino Avenue.

Iiral ito tuwing linggo, alas-singko hanggang alas-nuwebe ng umaga.


Layon nitong isulong ang environmental protection program ng lungsod at mahikayat ang mga residente na maging fit and healthy ang kanilang lifestyle.

Sa ilalim ng car-less Sundays, mae-enganyo rin ang mga motorista na huwag munang gumamit ng kanilang sasakyan at sa halip ay mag-bisikleta o maglakad at mag-jogging habang ine-enjoy ang view ng Manila Bay.

Facebook Comments