Isinama ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Child Restraint System (CRS) o car seats sa listahan ng mga produkto para sa mandatory certification.
Alinsunod ito sa Section 6 ng Republic Act 11229 o “Child Safety In Motor Vehicles Act” na layong bigyan ng espesyal na proteksyon ang mga bata sakaling magkaroon ng aksidente habang sila ay nasa biyahe.
Kaugnay nito, inatasan ng DTI-Bureau of Product Standards ang lahat ng manufacturers at importers na kumuha ng Philippine Standard Licence o ng Import Commodity Clearance certificate para sa marketing, sale at distribusyon ng CRS.
Facebook Comments