Caraga Police Top Performing Units, Pinarangalan

165

Pinarangalan ng Police Regional Office 13 Caraga kamakailan lang ang anim na mga Police top performing units sa rehiyon dahil sa pinatinding pagpapatupad ng Project Double Barrel Reloaded ng PNP mula Marso 1 hanggang Hunyo 30, 2017.

Ang anim na mga awardees ay ang Agusan del Norte PPO sa Provincial level at Surigao City Police Station sa City level.

Samantalang sa Municipal level ay ang San Francisco MPS at Trento MPS sa Agusan del Sur at Buenavista MPS sa Agusan del Norte, kung saan umaabot sa 35 anti-drug operations ang nailunsad at 33 na mga drug suspek ang naaresto.


Sa City Police Office level naman napunta sa Butuan City Police Station 2 ang Peak Performance Award sa Double Barrel Reloaded kung saan mayroon itong 22 anti-drug operations at umabot sa 27 drug personalities ang naaresto.

Ang awarding ceremony ay pinangungunahan ni PNP Caraga Regional Director PCSupt. Rolando Felix sa Camp Rafael Rodriguez, Libertad, Butuan City.



Facebook Comments