Pangulong Duterte, bibisita sa kampo ng militar sa Sarangani

140

General Santos City – Kumpirmado na ang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw sa Sarangani Province.

Bibisitahin ng Pangulo ang 1002nd brigade Philippine Army.

Dahil dito simula pa kahapon ay mas pinaigting ang seguridad ng lalawigan lalo na ng Malungon, Sarangani Province.


Sinabi ni Police Sr. Superintendent Leo Suan, Deputy Director for Operation ng Police Regional Office-12 na magtatalaga sila ng mga PNP personnel para tumulong sa pagbantay ng seguridad ng Pangulo kasabay ng pagbisita nito.

Ang pagbisita ng Pangulo sa 1002nd brigade ay bahagi ng kanyang pag-iikot sa mga kampo ng mga sundalo at ng pulisya sa bansa lalo na dito sa Mindanao.

Facebook Comments