CARANDANG SUSPENSION | Mga kumokontra, hinamon ng Malakanyang na tumakbo sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Hinamon ng Palasyo ng Malacanang ang lahat ng nagsasabi na mali ang desisyon ng Office of the President na suspindihin si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang na idulog nalang nila sa Korte Suprema ang kanilang reklamo.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, maituturing na gray area ang naging desisyon ng Korte Suprema noong 2014 dahil sa 8-7 na boto ng mga Mahistrado dito.

Kaya naman dapat aniyang idulog itong muli sa Korte Suprema para maging malinaw ang issue.
Binigyang diin din ni Panelo na kung tatanggi si Ombudsman Conchita Carpio Morales na sundin ang kautusan ng Office of the President ay lalabagin nito ang legal na proseso na dapat nilang sinusunod.
Sinabi din nito na hanggang hindi nagdedesisyon ang Korte Suprema ay dapat ipatupad ng Ombudsman ang kautusan ng Office of the President.


Facebook Comments