Caravan na galing sa 3 rehiyon, darating bukas upang punan ang rice stock ng NCR sa harap ng ECQ

Isang caravan ang isasagawa bukas ng National Food Authority (NFA) at Department of Agriculture (DA) para magdeliber ng tone-toneladang bigas sa Metro Manila.

Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, 30 trailer trucks ang pangkatang maglalakbay mula Region 1, 2 at 3.

Bawat trailer truck ay may kargang 1000 bags ng bigas at ididiskarga sa mga warehouses sa NFA North District Office sa Valenzuela.


Sinabi ni Dansal na layunin nito na mapunan ang rice stock ng Metro Manila at matiyak na tuluy-tuloy na rice delivery habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Tiniyak ni Administrator Dansal na mayroon silang 9.3 million bags ng rice stocks dahil nakapamili na sila ng abot sa 2.3 million bags ng palay simula noong Enero.

Facebook Comments