Caravan ng ibat-ibang militanteng grupo para hilinging ibalik ang lahat ng ill-gotten wealth ng Marcos, kasado na sa Lunes

Manila, Philippines – Handa na ang ibat-ibang militanteng grupo sa kanilang ikinasang caravan sa araw ng Lunes na naglalayong hilingin sa Duterte administrasyon na isauli ang nakaw na yaman.

Pangungunahan ng grupong SELDA o Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto at nang grupong Karapatan ang caravan.

Una muna silang magtitipon sa harap ng NHA sa elliptical road, Quezon City.


Pagsapit ng alas 9:00 ng umaga saka tutulak ang grupo patungo ng Libingan ng mga Bayani sa Taguig City kung saan nakalibing ang yumaong diktator na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Bukod dito, tututulan din nila ang tangka ng Duterte government na isailalim sa compromise agreement ang mga Marcos at hilingin ang lahat ng political prisoners.

Facebook Comments