Libo-libong mga tagasuporta ni Presidentiable Aspirant at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nakiisa sa isinagawang malawakang caravan sa bahagi ng lalawigan ng Rizal.
Nagtipon-tipon ang mga tagasuporta ni Bongbong Marcos upang masimulan ang malawakang caravan sa Shell Marilaque Antipolo City, pagkatapos ay unti-unting umuusad na ang caravan dumaan ang malawakang caravan sa Cogeo, Upper Antipolo, Teresa Bayan, Baras, Tanay Bayan, Pililia, Jala-Jala pagkatapos ay lahat ng mga nakasalubong ay nagsisigawan at binabanggit ang pangalan ni BBM habang pinatutugtog ang kantang kinagigiliwan ng mga tagasuporta ni BBM pagkatapos ay bumalik na sila sa Morong Bayan, dumaan sa Cardona, Binangonan Bayan, Angono Bayan, Taytay Bayan, Cainta Bayan at pagkatapos ay bumalik na patungo sa Binangonan at Taytay, Rizal kung saan halos lahat ay nakasuot ng kulay pulang damit.
Nagbunyi bagama’t wala pang eleksyon ang libo-libong mga taga-suporta ni BBM dahil sa hindi sila makapaniwala sa dami ng mga sumama at nakilahok sa isinagawang malawakang caravan na kung saan lahat ng mga dumalo at sumama sa naturang malawakang caravan ay nagsuot ng kulay pulang damit.