Natanggap na ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang kaniyang pallium kahapon kasabay ng pagdiriwang ng Simbahang Katolika ng kapistahan ng Immaculate Conception.
Ang pallium ay isang vestment na sinusuot lamang ng santo papa at ng mga arsobispo at sumisimbolo sa kapangyarihang ibinigay sa kanila ng Holy See para pamunuan ang mga nasasakupang archdiocese.
Nagkakaroon ng pagbabasbas ng pallium para sa mga bagong talagang arsobispo tuwing June 29 sa kapistahan nina San Pedro at San Pablo Apostol.
Pero matatandaang hindi nakapunta si Cardinal Advincula sa Roma dahil sa COVID-19 pandemic kung kaya’t kahapon na lamang ginanap ang investiture na pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown.
Itinalaga bilang bagong Arsobispo ng Maynila si Cardinal Advincula noong Marso 25 at pormal na naupo noong Hunyo 24.