Isa sa mga napupusuang susunod na maging Santo Papa ay si Cardinal Luis Antonio Tagle.
Batay sa inilabas na ulat ng Catholic Herald, kabilang din sa pinagpipilian na papalit kay Pope Francis ay si Hungarian Cardinal Peter Erdo ang Arsobispo ng Esztergom-Budapest.
Lumabas kasi ang ulat na hirap na makalakad na si Pope Francis dahil sa pananakit ng kaniyang tuhod at iniisip na lamang ang kaniyang pagreretiro.
Dagdag pa, napupusuan din ng Santo Papa na pumalit sa kaniya si Italian Cardinal Pietro Parolin na kasalukuyang Vatican Secretary of State.
Una nang itinalaga ni Pope Francis ang dating Manila Archbishop na maging isa sa 22 members of Vatican City Congregation for Divine Worship and the Disclipine of Sacrament sa pamumuno ni Cardinal-Designate Arthur Roche.
Noong 2019 ay itinalaga si Tagle sa Prefect of the Vatican’s Congregation for the Evangelization of People’s.