2,000 ayuda para sa lahat ng Pilipino, isinulong sa Kamara

99

Pinabibigyan ni Kalinga Party-List Representative Irene Gay Saulog ng isang beses na tig-2,000 pesos na ayuda ang lahat ng mga Pilipino sa gitna ng pandemya at tumataas na presyo ng bilihin at produktong petrolyo.

Nakasaad sa House Bill 2022 o panukalang Universal Ayuda Bill na inihain ni Saulog na popondohan ito ng PHP218 billion at isang beses lang na ipapamigay.

Ayon kay Saulog, sa pamamagitan ng kanyang panukala ay maipapatupad din ang layunin ng panukalang Bayanihan 3 na magbigay ng tulong sa mga higit na apektado ng pandemya.


Sabi ni Saulog, malaking tulong ang Universal Ayuda para sa milyun-milyong mga pamilya at mga nawala ng trabaho na na-itsapwera sa mga programa ng gobyerno.

Paliwanag pa ni Saulog, pabor din sa ekonomiya ang panukala dahil ang ayudang ibibigay sa mga mamamayang Pilipino ay gagastusin din nila.

Facebook Comments