Itinalaga ni Pope Francis si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang member ng Congregation for the Oriental Churches.
Ang kongregasyon na ito ang inatasang tumulong at magprotekta sa Oriental Catholic Churches o yung mga simbahan sa Silangan.
Ito rin ang nagpapanatili sa pakikiisa ng mga simbahan sa Vatican sa kabila ng iba’t ibang tradisyon.
Sakop nito ang mga simbahan sa Middle East kagaya ng Egypt, Iran, Iraq at Lebanon.
Sa kasalukuyan, nagsisilbing Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples si Cardinal Tagle na itinuturing na ikalawa sa pinakamataas na posisyon sa Simbahang Katolika.
Facebook Comments