Malugod na tinanggap ni Pope Francis si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang kanyang panauhin sa Vatican.
Ang ulat ay batay sa bulletin na inilabas ng Holy See Press Office.
Bagama’t hindi idinetalye ang naging pulong ni Cardinal Tagle sa Santo Papa, ipinakitang present si Tagle bilang Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples.
Nakapulong din ng Pontiff si Archbishop Charles John Brown, Apostolic Nuncio sa Pilipinas at miyembro ng “Zayed Award for Human Fraternity.”
Si Tagle ang unang pinuno ng Vatican Dicastery, na nagpositibo sa COVID-19 nang bisitahin niya ang kaniyang magulang sa Pilipinas at dinaluhan ang ilang aktibidad.
Nabatid na balik-trabaho sa Rome si Tagle mula nitong ikalawang linggo ng Oktubre.
Facebook Comments