CAREER HIGH POINTS | Indiana Pacers Victor Oladipo, pinayuko ang Denver Nuggets

NBA – Humataw sa kanyang career-high 47 points si Victor Oladipo para makuha ang overtime win ng Indiana Pacers kontra Denver Nuggets, 126-116.

Dinagdagan pa ito ng 24 points ni Myles Turner habang nanguna sa Nuggets si Trey Lyles na nakapagtala rin ng kanyang career-high 25 points.

Sunod na makakaharap ng Nuggets sa Miyerkules ang Detroit Pistons habang sa Huwebes naman ang bakbakang Oklahoma City Thunder at Pacers.


Samantala, bigo namang makahabol Sa New York Knicks ang Atlanta Hawks, 111-107.

Nanguna sa panalo ng Knicks si Kristaps Porzingis na kumamada ng 30 points at doug Mcdermott na may 23 points.

Pinangunahan naman nina al Horford at Kyrie Irving ang pag-resbak ng Boston Celtics sa Detroit Pistons, 91-80.

Matatandaang inilampaso ng pistons ang Celtics sa huli nilang banggaan noong November 29.

Sa ngayon, may kartadang 23-5 win loss na ang Boston habang 14-12 naman ang Pistons.

Facebook Comments