2 sundalo patay 8 sugatan sa vehicular accident sa bayan ng Antipas North Cotabato

Dalawang sundalo ang namatay habang walo ang sugatan ng masangkot sa vehicular accident sa Brgy. Malatab sa bayan ng Antipas sa lalawigan ng North Cotabato kaninang umaga.
Kinilala ang mga nasawing sundalo na sina Pfc Marsaga at Pfc Pregillana.
Ang walong sundalong sugatan ay kinilalang sina PFC Manuel Lumanod, drayber; CPL Anta, PVT Lacunsay, PFC Amarillo, PVT Guimay, PVT Gepitulan, PVT Alao at PFC Silva.
Sa report ay binabaybay ng KM450 military vehicle na minamaneho ni PFC Manuel Lumanod ang national highway sa Sitio road ng Bulwang spring ng biglang tumawid ang isang bata.
Sa pag iwas nito sa batang tumawid sa kalsada ay dito na bumaliktad ang sasakyan. Naisugod pa sa pagamutan ang mga naaksidenteng sundalo subalit dalawa sa kanila ang binawian ng buhay
Sinabi ni 39th IB spokesperson Lt. Col. Adell Silver Belvis, karamihan sa lulan ng sasakyan ay mga kasapi ng 39th IB na galing ng Arakan at pabalik na ng kampo ng mangyari ang aksidente.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments