Cargo vessel sa pantalan ng Real, Quezon, tumagilid; sakay nitong dalawang truck at dalawang van, nahulog sa dagat!

373

Ligtas na ang lahat ng sakay ng tumagilid na cargo vessel sa pantalan ng Real, Quezon.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagkakarga ang cargo vessel LCT Balesin, nang mawalan ito ng balanse at tumagilid.

Agad naman nailigtas at walang nasugatan sa 25 katao na sakay ng barko na kinabibilangan ng labing isang auxiliary workers, siyam na crew, at limang driver.


Sa kabila nito, nahulog naman sa dagat ang sakay ng cargo vessel na dalawang dump truck na may lamang buhangin at graba at dalawang wing van na may kargang frozen goods at steel bar.

Nagsasagawa na ng operasyon para makuha ang mga sasakyan at produktong nalaglag sa dagat.

Facebook Comments