Carlo Aquino, nagsalita na sa pagiging first time daddy

59

Nagsalita na ang aktor na si Carlo Aquino sa pagiging first time daddy nito matapos ipanganak ng kaniyang non-showbiz girlfriend na si Trina Candaza si baby Enola Mithi noong nakaraang linggo.

Say ni Carlo, sobrang sarap sa pakiramdam na hindi na lang sarili niya ang kaniyang iniisip kundi mas priority niya na ang kaniyang mag-ina.

Dahil din dito ay gusto ng aktor na maging stable para sa future ng kaniyang anak.

Bagama’t laging kulang sa tulog, gusto raw ni Carlo na tutukan muna ang pag-aalaga sa kaniyang baby bago bumalik sa trabaho.

Sa ngayon, hindi muna priority nila carlo at ng kaniyang girlfriend ang pagpapakasal dahil gusto nilang maging best parents para sa kanilang anak.

Facebook Comments