Denver Nuggets, pasok na sa Western Conference finals matapos talunin ang Los Angeles Clippers

109
COURTESY: NBA

Pasok na sa National Basketball Association (NBA) Western Conference finals ang Denver Nuggets matapos talunin ang Los Angeles Clippers sa game 7 ng semi-finals sa score na 104-89.


Nagpasiklab sa game 7 ang dynamic duo ng Denver na sina Nikola Jokic na may 16 points, 22 rebounds, at 13 assists habang si Jamal Murray ay nagtala ng 40 points at 4 rebounds.

Nakagawa naman ng 10 points para sa Clippers si Paul George at 14 si Kawhi Leonard.

Makakaharap ng Denver sa Western Conference finals ang Los Angeles Lakers.

Nabatid ang Denver ang kauna-unahang team sa NBA na nakabangon mula sa 3-1 deficit ng dalawang beses sa isang conference.

Facebook Comments