Carlo Gonzalez at Luane Dy, engaged na!

“Engaged na kami!”

Ito ang masayang anunsyo ng aktor na si Carlo Gonzalez at TV-host na si Luane Dy.

Sa kani-kanilang Instagram accounts, inihayag nina Carlo at Luane na engage na sila mula pa noong April 18, 2019.


Kasabay ng pamamasyal ng dalawa sa Disney theme park sa U.S. ay dito tinanong ni Carlo ang “will you marry me?” at sinagot naman siya ng “yes” ni Luane.

Kalakip nito ang video ng couple habang nanonood ng fireworks display sa Disney.

Parehong video rin ang ipinost ni Luane sa kanyang IG.

Facebook Comments