Carlos Agassi, trending dahil sa pagcha-chat sa kung sinu-sinong babae

Sinagot na ng hunk actor na si Carlos Agassi ang mga intriga tungkol sa kanyang cyberflirting na kinasasangkutan ngayon.
Naging trending sa social media ang 38 year-old actor matapos kumalat ang ilang screenshots ng kanyang pakikipagpalitan ng mensahe sa ilang babae na niyayaya nitong makipagkita.
Dahil dito binansagan ng mga netizens na pambansang f-boy raw si Carlos.
Kahapon, February 4, naglabas ng isang mahabang statement ang hunk actor tungkol dito.
Ayon sa kanya, single raw siya ngayon at ini-enjoy ang kanyang buhay nang walang ginagawang masama.
Ngayong lunes, sa panibago nitong ig post ay sinabi rin ni Agassi na magkahalong “embarrassment and happiness” ang naramdaman niya sa isyung ito.
Kwento pa ni Carlos, dapat mag-ingat sa mga taong ang nais lamang ay saktan o sirain ang iyong reputasyon.
Sa huli, humingi rin siya ng sorry sa kanyang mga nasaktan.

Facebook Comments