𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗧𝗥𝗘𝗘𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗬 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡 𝗘𝗗 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗛𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟, 𝗔𝗟𝗟 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠𝗦 𝗚𝗢 𝗡𝗔

All systems go na ang Dagupan City para sa magaganap na Bangusan Street Party na highlights ng Bangus Festival 2024.

Sa katunayan ay patuloy na ang isinasagawang paghahanda ng Bahagi ng De Venecia Extension na siyang Pag gaganapan ng nasabing event.

Ayon Kay Former Dagupan City Councilor at Dagupan City Tourism Adviser Karlos Reyna,nakalatag na lahat ng mga kailangan kaugnay sa event ngayong araw.

Inaasahang nasa Daang libo na naman ang bisita dito upang saksihan ang Kalutan Ed Dalan bago ang Street Party sa nasabing lugar.

Ilang mga kilalang mga banda at performer ang inaasahang makikisaya sa nasabing event. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments