Bigo ang Filipino gymnast na si Carlos Yulo na madepensahan ang kanyang titulo sa katatapos lang na 50th FIG Artistic Gymnastics Worlds Championships.
Nagtapos si Yulo sa ika-limang pwesto sa final na ginanap sa Kitakyushu City Gymnasium sa Japan sa iskor na 14.566.
Maganda ang naging panimula ng routine ni Yulo pero natapakan niya ang labas ng mat sa kalagitnaan ng pagpapakitang gilas kung kaya’t nabawasan siya ng 0.300 sa kanyang finals score.
Nasungkit ni Nikola Bartolini ng Italy ang gold medal habang silver medalist si Minami Kazuki ng Japan at bronze medalist naman si Emil Suravuo ng Finland.
Ngayong Linggo, dalawang final events pa ang lalabanan ni Yulo kabilang ang parallel bars at vault.
Matatandaang top qualifier ang Pinoy gymnast sa parallel bars makaraang makakuha ng 15.566 points habang pangatlo sa vault na may 14.808 points.