Carlos Yulo, nakasungkit ng dalawang medalya sa 2021 All Japan Senior and Masters Gymnastics Championships

85

Dalawang medalya ang iuuwi ng Pinoy gymnast na si Carlos Yulo sa matapos ang pagsabak sa 2021 All Japan Senior and Masters Gymnastics Championships sa Yamagata Prefecture.

Nasungkit ni Yulo ang gintong medalya sa floor exercise dahil sa naitalang 15.3 points habang nakakuha rin siya ng bronze para sa vault nang makapagtala ito ng 15 points.

Inilarawan naman ng kaniyang coach na si Munehiro Kugimiya ang panalo ni Yulo bilang redemption arc dahil sa pagkabigo niyang makasungkit ng medalya sa Tokyo Olympics.


Samantala, dedepensahan ni Yulo ang kaniyang world title sa 2021 World Artistic Gymnastics Championship sa Kitakyushu, Japan na gaganapin sa susunod na buwan.

Facebook Comments