Carmelo Anthony, ipinamigay na ng Rockets sa Bulls

Ipinamigay na ng Houston Rockets ang 10-time all star player na si Carmelo Anthony sa Chicago Bulls.

Kasama sa deal ang trade rights sa mga rookies ng dalawang team habang nakakuha din ng bayad ang Bulls bilang pagkuha nila kay Anthony.

Pero, hindi din paglalaruin ng Chicago si Carmelo dahil plano din nila itong i-trade sa ibang team at kung wala naman kukuha ay kanilang itong iwi-waive para maging free agent.


Samantala, nagbitiw na bilang head coach ng Jose Rizal University Heavy Bombers si PBA legend Vergel Meneses.

Nais kasi ni Meneses na mag-focus naman daw sa pulitika at sapat na daw ang siyam na taon na pag-upo niya bilang coach ng JRU.

Facebook Comments