Abot sa 102 na mga Loose Firearms mula sa bayan ng Carmen North Cotabato ang isinuko sa pamahalaan kasabay ng pinalakas na Balik Baril Program ng 6th Infantry Division.
Kinabibilangan ito ng limang 60mm Mortars, isang Browning cal .30 Machine Gun, 8 home-made cal .50 BARRET sniper rifles , 1isang M16 rifle isang baby Armalite attached with M2O3 grenade launcher, thirteen (13) M14 rifles; thirty-one (31) .30 cal M1 Garand rifles, isang home-made KG9 sub machine gun; one (1) cal .30 Browning Automatic Rifle; pitong carbine, apat na home-made Rocket-propelled grenade launchers, dalawamput dalawang M79 40mm Grenade Launchers, apat na cal .30 Winchester rifles, isang cal .45 pistol at 2 Shotguns.
Isinagawa ang aktibidad sa Carmen Gym sa inisyatiba ni Mayor Roger Talino at anak nitong si North Cotabato Governor Lala Mendoza. Dumalo rin sa aktibidad si 6th ID Commanding General at Task Force Central Commander MGen Arnel Dela Vega , 10th Division Commander MGen Noel Clement, mga Brigade Commanders, PNP Officers habang bisita sa aktibidad si Secretary Jesus Dureza ng OPAPP.
Pinasalamatan naman ni CG Dela Vega ang lahat ng mga residente ng Carmen at mga opisyales ng baranggay at bayan sa pagtugon sa kampanya ng gobyerno ,nagpapatunay lamang aniya ito sa pagiging sinsero ng bawat residente ng bayan na naghahangad ng kapayapaan giit pa ni CG Dela Vega.
Ang bayan ng Carmen ang pangalawang LGU sa North Cotabato na nakiisa sa Balik Baril Program , noong nakaraang araw tumugon rin ang bayan ng Midsayap, 49 na matatas na kalibre ang ibinalik sa gobyerno.
6th ID CMO Pics