NA-RESCUE | Kapitan ng motorbanca na tumaob sa Camarines Norte, nailigtas ng coastguard

Camarines Norte – Agad na na-rescue ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kapitan ng tumaob na motorbanca sa karagatang sakop ng Barangay Masalong- Salong, Mercedes, Camarines Norte.

Sa inisyal na imbestigasyon ng coastguard, binabaybay ng motorbanca ang nasabing lugar ng makaranas ito ng engine problem dahilan ng paglubog nito.

Nagawa ng nasa 20 pasahero na sakay nito na makalangoy sa pinakamalapit na pangpang upang humingi ng tulong.


Ligtas na natagpuan ang kapitan na kinilala bilang si Rey Cavaro at naibalik na rin sa pantalan ang iba pang pasahero ng tumaob na motorbanca.

Facebook Comments